Mapa-bida man o kontrabida, si Alessandra De Rossi ay isa sa mga dekalibreng aktres sa larangan ng pelikula o telebisyon.

Pagpapatunay nito ay ang dalawang Best Supporting Actress awards na nakamit niya mula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa mga pelikulang Hubog at Azucena noong 2001.

Sa pagiging Best Actress naman ay makailang beses na rin siyang naging nominado. Ang pinakahuli ay mula sa 2013 Golden Screen TV Awards para sa kategoryang Outstanding Performance by An Actress in a Drama Series, para sa dramaseryeng Legacy ng GMA-7.

Nang makausap siya sa kakatapos pa lang na 2013 Golden Screen Awards for TV last March 1 sa Teatrino, Greenhills, inalam namin kung saan ba siya talaga nag-e-enjoy, sa pagiging bida ba o kontrabida?

“Sa movie, gusto ko bida. Nag-e-enjoy ako,kwento ni Alex

“Kasi malalim yung kuwento, e… malalim yung character. Tapos, sa ‘yo nakasentro ang istorya.

“Sa TV kasi, para namang walang patutunguhan yung ano… yung bida kasi, na-e-explain talaga yung role.

“Kahit ano naman, okey din. Kasi wala naman akong pinanggagalingan doon, e.

“Parang wala… gusto ko lang mang-asar bilang kontrabida.

alessandraMalaking bagay din naman daw ang award para sa kanya kahit bilang bida o kontrabida.

“Oo naman, “ pag-amin niya.

“Kasi, siyempre, masarap yung feeling na nakakatanggap ka ng award.

“Pero, siyempre, ayoko naman yung uma-acting ka tapos ang nasa isip mo, e, merong award na umiikot-ikot sa ulo mo, di ba?

“Meron din naman diyang may mga award pero wala namang naniniwala na nanalo sila, di ba?

“Hindi ko rin alam kung magaling ako o deserving ako sa isang award.

“Okey lang. Wala naman siyang issue sa akin.”