pizap.com13632760841751Humantong sa personalan ang paghaharap ngayong umaga, March 12, nina Manila City Mayor Alfredo Lim at former President Joseph Estrada sa “Unang Harapan,” ang segment ni Anthony Taberna sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Ang “face-off” ng mga kandidato na magkakalaban ang concept ng “Umagang Harapan.”

Sina Mayor Lim at President Erap ang magkaribal sa mayoralty race sa Maynila kaya sila ang nagbalitaktakan sa segment ni Anthony.

Tungkol sa kanilang mga plataporma at mga problema ng City of  Manila ang topic para kina Mayor Lim at Erap, pero humantong ito sa pagbibitaw ng mga maanghang na salita nang itanong ni Anthony ang tunay na dahilan ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan.

Si Mayor Lim ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary ni Erap noong nakaluklok ito sa puwesto bilang Pangulo ng ating bansa noong 1998 hanggang 2001.

Narito ang naging palitan nila ng salita:

“Unang-una, naawa ako sa kanya. Lumaban siya sa akin sa pagka-Pangulo noong 1998. Talo siya, pang-apat yata siya,ang sabi ni Erap

“Ako, kahit nilabanan niya ako, pinatawad ko na siya kaya naawa ako sa kanya, in-appoint ko siya na DILG Secretary.

“Noong nagkakagulo sa Malacañang, nagpaalam siya sa akin. ‘Sir, lalabas lang ako at aayusin ko yung mga pulis. Baka makapasok dito.’

“Tapos ang ginawa niya, dire-diretso siya doon sa Edsa Dos. At ako’y iniwan ako. Iniwan ako.

“Nung nagpaalam siya sa akin, aayusin daw niya yung mga pulis. Baka makapasok daw yung mga rallyista sa Malacañang. Pinayagan ko siya.

“Imbes na ayusin ang mga pulis, dumiretso siya sa Edsa Dos at doon, nasalubong siya ni President Cory Aquino. ‘You’re too late,’ sinabi sa kanya kaya hindi siya pinaakyat sa entablado.

“Sa madaling-salita, nagpaalam siya sa akin, iniwan niya ako. E, pinatawad ko na nga siya roon.”

“E, hindi na naman totoo ‘yon,sabi ni Lim

“Nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, kakausapin ko yung mga pulis ko dahil sa nangyari nga… yung reklamo ni kuwan… ni Chavit Singson.