Nagbabalik sa GMA-7 ang award-winning actress na si Jaclyn Jose pagkatapos ng mahigit apat na taon.

Kasama siya sa malaking cast ng bagong primetime series na Mundo Mo’y Akin na pinagbibidahan nila Alden Richards at Louise delos Reyes.

mundo mo'y akin

Bago ito, ang huling teleserye ni Jaclyn sa Kapuso network ay ang Zorro noong 2009 pa.

jaclyn“Nagkasunud-sunod kasi ang mga ginawa ko sa ABS-CBN. Tapos nag-TV5 pa ako, kaya nauunahan parati ang GMA-7.”, sabi ni Jaclyn.

“Pero this time, nauna na sila at maganda ang role ko sa Mundo Mo’y Akin. This time ay yaman-yamanan ang role ko bilang si Doña Charito.

“Maganda naman ang working relationship ko with GMA-7. Ginawa ko sa kanila before ang Sana Ay Ikaw Na Nga at Te Amo: Maging Sino Ka Man.

“Suki rin ako sa GMA Films. I did The Road, Sundo, You To Me Are Everything, at yung Deathrow.

“Kapag puwede naman ako, gagawa ako sa kanila. Hindi naman tayo nakakontrata sa kahit na anong network, e.”