MarianPinasyalan ang shooting ng indie film na Ekstra, entry sa Cinemalaya 2013, sa isang napakalaking mansiyon sa Marikina Heights noong Sabado, March 2.

Ang Ekstra ang kauna-unahang indie film ng Star For All Seasons at Batangas governor. Idinidirek ito ng award-winning director na si Jeffrey Jeturian.

Inabutan naming kinukunan ang eksena ng guest stars sa pelikula na sina Cherie Gil, Pilar Pilapil, at Marian Rivera. Ito ang eksena na kunwari ay reception ng kasal nina Marian at Tom Rodriguez.

Pagkatapos ng eksena ay mismong si Marian ang lumapit sa PEP para sa isang panayam.

Una muna naming kinumusta sa Primetime Queen ng GMA-7 ang pakikipagtrabaho sa unang pagkakataon kay Ate Vi.

“Actually, hindi yun dahil sa trabaho kundi doon sa role,sabi ni Marian

“Kasi ang eksena namin together is parang nag-serve lang siya sa akin ng isang drink tapos um-exit na siya.

“Pero ang behind the scenes ang gusto ko, kasi pagtuntong ko lang sa set…

“Siya ang lumapit sa akin, at sabi niya, ‘Hi Marian, thank you sa pag-guest mo.’

“Thank you siya nang thank you sa akin.

“Sabi ko, ako nga ang dapat magpasalamat sa kanya. Ang bait-bait niya talaga.

“Kaya ngayon, masasabi ko na artista na talaga ako kasi nakasama ko na ang isang Vilma Santos kahit sa isang eksena lang.

“Meron pa yata kaming isa pang eksena, sa tubuhan with Piolo Pascual na.

“Yun ang pinakamahaba naming eksena.”

Kagaya ni Marian ay guest din sa pelikula ang Kapamilya star na si Piolo Pascual.