Bukod Kang Pinagpala

Nakausap  si Mark Anthony Fernandez sa taping ng Bukod Kang Pinagpala sa Tagaytay noong March 13.

Na-miss ng ilang entertainment press si Mark dahil hindi ito nakarating noong press conference ng kanilang afternoon soap noong January.

Si Mark ang pinag-aagawan ng tatlong babae sa kuwento—sina Camille Prats, Jackie Rice, at Jennica  Garcia.

“Noong umpisa lang na ako ang pinag-aagawan ng tatlong babae,natatawang sabi ni Mark

“Ngayon kasi, si Mona [Louise Rey], yung bata na ang pinag-aagawan nila.

“Itong papasok ng Week 7, ang pinag-aawayan na namin ang bata.

“Natutuwa naman ako na nagdaan doon. Baka naman pag-awayan din nila ako in the future.

“Pero at least, dumaan muna do’n, di ba? So, natutuwa naman ako ron.”

Masaya ba siya sa karakter na ginagampanan niya sa Bukod Kang Pinagpala?

“Okay, masaya ako,” sagot ni Mark.

“Although mahilig ako sa ibang bagay, pero napapasama ako sa mga proyektong maraming babae at yung title, babae.

“So, yun, natutuwa ako sa mga proyekto na nagagawa ko along the way.

“Na, ‘Uy, maganda pala ang proyekto!’ At pati ako, nagiging fan ng proyekto.”

mark