sunshine

Mismong si Sunshine Dizon daw ang may kagustuhan na isang taon lang muna ang kontrata niya sa GMA-7.

Babalik sa telebisyon si Sunshine matapos niyang mag-asawa at magkaroon ng dalawang anak. Kasama siya sa cast ng bagong teleserye na Mundo Mo’y Akin.

“It’s my choice talaga na one year lang yung contract… network contract ulit and I chose na two major soap lang,sabi ni Sunshine

“Siyempre, may mga anak na po ako.”

Sa ngayon, sa Guagua, Pampanga na naka-base si Sunshine kasama ang kanyang asawa na si Timothy Tan at ang dalawa nilang anak.

Wala naman daw major adjustment si Sunshine sa pagbabalik niya sa showbiz.

Aniya, “Before I accepted this project, maganda naman ang usapan namin with regards to working schedule… working hours.”

May cut-off na raw siya pero ayaw na niyang idetalye kung ano yun.

Natatawang sabi ni Sunshine, “Sa production na lang yun at baka maging isyu pa yun.

“Kanya-kanya naman ‘yan, e. Everybody’s allowed naman.

“Sa akin lang po, masuwerte lang ako because Tim is very understanding naman.

“I have two kids, my daughter is turning two and my son is only nine months old.”

Ang panganay ni Sunshine ay si Doreen Isabelle at ang bunso naman niya ay si Antonio.