oyo

Long hair ngayon ang aktor na si Oyo Sotto.

Hindi pa raw niya ito mapagupitan dahil kailangan sa karakter niya bilang si Vlad, isang semi-retired vampire at padre de familia, sa bagong sitcom ng GMA-7 na Vampire Ang Daddy Ko.

Sa sitcom na ito ay si Oyo ang gaganap bilang ama ng kanyang tatay sa totoong buhay na si Vic Sotto.

Tungkol sa role nilang mag-ama, “Nagulat ako, tapos parang iniisip ko rin, nakakatuwa, sabi ni Oyo

“Kasi, parang alam ng tao, siya ang tatay ko.

“So, siguro kapag napapanood nila, mawi-weirduhan sila na tinatawag ko siyang ‘Anak.’

“Tapos siya naman, ang tawag niya sa akin, ‘Daddy.’ Maiba lang!”

Nakausap  si Oyo sa presscon ng Vampire Ang Daddy Ko sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong, March 4.

Naka-ilang takes silang mag-ama noong mga una nilang eksena, kuwento pa ni Oyo,

“Naka-ilang takes din kami noong tinatawag ko siyang ‘Anak.’ Parang hindi sanay, e.

“E, medyo madrama pa ang linya. Parang mahirap magseryoso.”