pizap.com13634566212171

Sa kabila ng mga inaning parangal at kasikatan ni Sandara Park sa Korea bilang miyembro ng kilalang K-Pop group na 2NE1, masasabing hindi pa rin niya  nakakalimutan  ang bansang Pilipinas.

Ilang ulit na ring bumalik ng bansa para magbakasyon, makita at makasama ang mga dati niyang naging kaibigan dito.

Nagbukas na rin siya ng kanyang Twitter account kung saan nakikipag-communicate siya sa ilang mga kaibigan niya dito.

Isa na nga sa nakaka-tweet ni Sandara ay si Luis Manzano kung saan nagsabi ang Korean singer na gusto niyang gumawa ng pelikula kasama ang aktor.

“Si Sandy kasi alam kong nahohomesick siya,” kuwento ni Luis.

“Sana nga may magawa nga kami ni Sandy. I’m hoping for that dahil sa haba ng pinagsamahan namin ni Sandy, sa  Star Circle Quest pa lang.

“Even after Star Circle Quest na may kanya-kanya na kaming ginagawa, nakakasama ko pa rin siya, inaya ko pa rin siya for dinner.

“Hopefully, we get into something. Global star na siya pero di niya nakakalimutan ang Pilipinas.”

“Siya ang nagsabi, napanood niya yata yung This Guy’s In Love With You, sabi niya gusto niyang gumawa ng movie, sabi ko, ‘Oo naman.’

“Ayaw niya akong maging leading man? Sabi ko para maiba, para may spice, yung leading man niya mga 70 years old para iba yung chemistry.

“Parang gumana ng kaunting-kaunti lang naman, yung kay Papa Chen at kay Jodi, malay mo gumana kay Sandara na mga tipong 70 years old saka si Sandara.”

Para kay Luis ay nasa pamunuan pa rin ng ABS-CBN at ng Star Cinema kung magkakaroon nga ng katuparan ang hiling nilang ito ni Sandara.

“It’s up to the management and to ABS. Siyempre nasa kanila yun.”

“Wala, wala… we had a talk lang right after that— wala namang nangyari. Basta ang usapan lang namin kay Sandy at ako, kung pinick-up ng management yun, I have no idea.”