Mariing sinabi ni Vic Sotto na wala siyang kontribusyon sa bagong bahay ng girlfriend niyang si Pauleen Luna.

Ang naturang three-story, four-bedroom house ni Pauleen sa Quezon City ay tampok sa March 2013 issue ng YES! Magazine.

vic sotto

Sinabi ng ina ni Pauleen sa naturang interview na “ni singko” ay walang kontribusyon ni Vic sa bago nilang bahay.

Ito ay kinumpirma ni Vic sa panayam sa kanya noong March 4, sa Dulcinea, Tomas Morato para sa kanyang bagong sitcom sa GMA-7 na Vampire Ang Daddy Ko.

“Wala. Nakakahiya naman sa magulang nun. Wala akong kinalaman dun,sabi ng comedian-TV host

“Matagal na nilang pinapagawa yun… yung magulang niya, siya [Pauleen].

“Hindi naman maganda kung dinadamay ako roon.

“I don’t want na nadi-discredit sila sa pinagpaguran nila. Mayaman yung pamilyang yun!”

Naiilang ba ang parents ni Pauleen sa kanya?

“Ilang pa rin!” pag-amin ni Vic.

Sa interview pa rin sa YES! Magazine, sinabi ni Pauleen na nakikita niya ang sarili na may husband at sariling mga anak in the future.

Ano ang masasabi ni Vic tungkol sa pahayag na ito ni Pauleen?

“Hindi ko pa nababasa iyan. Bigyan mo ako ng kopya para masagot ko iyan!” natatawang sabi ni Vic.

Sa kasalukuyan, si Pauleen ay 24 years old samantalang si Bossing ay 58 years old. Paano niya hina-handle ang age gap nila ni Pauleen?

Sagot ni Vic, “Why do you want me to deal with it? Hindi issue. Pagdating ng araw, magkikita rin yun.”