daniel

Magkahalong kaba at excitement daw ang nararamdaman ng itinuturing na pinakasikat na young actor sa bansa na si Daniel Padilla.

Nalalapit na kasi ang kanyang solo concert sa Smart Araneta Colisum sa April 30, 2013.

Nakapanayam  si Daniel nang mag-guest ito sa Walang Tulugan with the Mastershowman at bisitahin ang kanyang Ninong German Moreno sa GMA Annex Studio 6.

“Kinakabahan po ako, kasi Araneta Coliseum na yun! Kumbaga ibang level na. Hindi ko kasi inaakala na darating yung time na makakapag-perform ako sa Araneta— tapos concert ko pa,sabi ni Daniel

“Pero excited din ako kasi first time kong magkakaroon ng solo concert at sa Araneta pa, kaya paghahandaan ko talaga ito para na rin sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin.