Must-Be-Love-Kathryn-Bernardo-and-Daniel-Padilla

Nakakabinging tilian ang narinig mula sa napakaraming fans nang makita nila na magka holding hands sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong March 12 premiere night ng pelikulang Must Be Love. Ang launching movie ng KathNiel tandem ay ginanap sa SM Megamall Cinemas 4 at 5. Halos mapuno ng fans ang dalawang sinehan para tunghayan ang kauna-unahang movie kung saan bida ang love team partners. Spotted ang kaibigan ni Kathryn na si Julia Montes para suportahan ang kanilang movie. Present din sina Diego Loyzaga na kaibigan ni Daniel para suportahan ang young actor.

Bago magsimula ang movie ay nagkaroon ng pagkakataon  na makausap ang KathNiel para hingin ang reaksyon nila sa dami ng mga tagahanga na dumalo sa kanilang premiere night.

“Sobrang saya, sobrang saya…at nagpapasalamat talaga kami sa P&G [Procter & Gamble] dahil sila ang nag sponsor ng isang sinehan. Maraming salamat kasi sinuportahan din nila yung movie namin,sabi ni Kathryn.

“Masaya…Di ako mapagsalita, e…Masaya siyempre,tugon ni Daniel.