Humingi muna ng “space” si KC Concepcion mula sa kanyang manliligaw na si Pierre Emmanuel Plassart, isang French filmmaker, dahil naramdaman daw ng TV host-actress na hindi pa siya handa sa anumang seryosong usapin sa pakikipagrelasyon, lalo na ang pag-aasawa.

Sa ulat ng ABS-CBN News, noong February 21, wala namang masabi si KC kay Pierre kundi isa itong “husband-material.”

“Husband-material na nga yung taong ‘yon, kaya lang, hindi pa ako ready, kaya nag-setback muna ako,sabi ni KC

“Siya yung tipong settling-down type na, alam mo ‘yon?

“Wala pa ako sa level na ‘yon and I’d been very honest with him about it.”

Ngunit nilinaw ni KC na hindi naman niya binasted ang French filmmaker.

“Hindi naman basted—ang sakit naman noon kasi nag-uusap pa din kami.

“It’s just that he knows na I need time, he needs time.

“At sabi ko, kilala ko ang sarili ko na kung gusto kong tuldukan ang relationship, totally tuldok na talaga ‘yon.

“And I told him we don’t know what is going to happen in the future.

“Sabi ko, ‘You are still the guy that I want to end up with.”

“Nasa kanya na lahat ng hinahanap ko, except sa wala pa ako sa level na ready na akong mag-settle down, dagdag pa ni KC

“Kaka-sign ko nga lang ng contract sa ABS-CBN, sandali lang, space lang.

“Anyway, he is busy din with his business.

“We talk pa din o kaya nagte-text pa din kami. I-check kung kamusta na siya at kinakamusta niya ako.

kc