Walang regular show ngayon sa TV5 si Ruffa Gutierrez.

Ang huling teleserye niya ay ang Enchanted Garden na natapos noong Enero.

Dahil dito, may mga lumulutang ngayong balita na babalik daw sa ABS-CBN si Ruffa pagkatapos ng kontrata niya sa Kapatid network ngayong Marso.

Ito ang nilinaw ni Ruffa nang makausap siya at Ang Latest noong February 26 sa Magnum Ice Cream VIP Party na ginanap sa isang magarang mansion sa Forbes Park, Makati.

“Siyempre, yung mga tao, iba-iba yung speculations dahil, right now, everything is still too early to talk about,saad ng TV host-actress

“You will know in a couple of weeks what’s gonna happen.

“Like I said, mahirap magsalita ngayon kasi the next two weeks, we’re really just negotiating.”

Pero ano ang aasahan ng kanyang mga tagahanga mula sa kanya ngayong taon?

“Sa lahat—talkshow, teleserye, sa mga pelikula,tugon ni Ruffa

“I’m reading a script right now and hopefully matuloy, napakaganda ng script.

“So a lot of exciting things that’s gonna happen in 2013.”

ruffa