Magsisismula sa pagiging pangit hanggang sa magiging maganda ang hitsura ni Angelika dela Cruz sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Mundo Mo’y Akin.

Ito ang primetime series kung saan muli silang magkakasama ng nagbabalik-showbiz na si Sunshine Dizon, na una niyang nakatrabaho sa Ikaw Lang Ang Mamahalin(2001).

Sa pocket presscon ng Mundo Mo’y Akin ay kinumusta  kay Angelika ang muling pakikipagtrabaho niya kay Sunshine.

“Okay naman, in fairness, okay naman,sabi ni Angelika

“Maayos naman ang relationship namin at okay kami, actually.”

“Nakakatuwa. Kasi after all this time, nakakatuwa kasi nakikita mo ang mga ipinagbago namin simula nang mga bagets kami.

“Hanggang sa magdalaga hanggang sa ngayon, mommy na.

“E, dati, ang pinag-uusapan namin, gimmicks, boys… mga ganyan.

“Ngayon, ang pinag-uusapan na, mga babies, mga activities ng baby… ibang-iba. Nakakatuwa.”

Masasabi ba niyang nag-mature na sila?

“Oo, totoo!” mabilis na sagot ni Angelika.

“Iba, e, iba kapag naging magulang ka na. May magbabago at magbabago sa iyo.

“Napaka-gagong tao na lang siguro na nagkaanak ka na at lahat, hindi ka pa rin magbabago. Parang napaka-selfish na tao.”

 angelika dela cruz

Magkaibigan na parehong pangit ang mga karakter na ginagampanan nina Angelika at Sunshine sa Mundo Mo’y Akin.

Pero dahil ayaw ni Angelika na manatiling pangit kaya nagparetoke siya ng mukha.