Gaya ng kanyang ina na si Eva Cariño Padilla, wish din daw ni BB Gandanghari na matanggap na siya nang tuluyan ng kanyang kapatid na si Robin Padilla.

Pahayag ni BB Gandanghari, “Wish ko din naman yun.

“I wish for that, too. Pero sabi ko nga, hindi yata puwedeng i-push, hindi puwedeng ipilit.

“But I feel it’s gonna happen one day… I hope it’s soon.

“Balansado lang naman, hindi nga lang gaya dati, everytime there’s a reunion or there’s a get-together, we’re all there.

“Ngayon, pag nandiyan yung isa, iiwas muna.

“Pero alam ko, maaayos din ito.”

bb gandanghari 

Isa si Mommy Eva sa mga nanood ng katatapos na stage play na pinagbidahan ni BB, ang Halik Ng Tarantula.

Ayon kay BB ay nagustuhan naman ng ina ang napanood nito.

“Yes, she did, masaya naman siya after. Naintindihan niya yung play, e.”

Isa rin sa nanood at nagbigay-suporta kay BB ay ang kapatid na si Rommel Padilla.

Ikinatutuwa naman ni BB ang pagtanggap na nakikita niya sa kapatid sa bago niyang katauhan.

“Hindi ko nakausap after, I hope okay sila—si Rommel, mga pamangkin ko, at mga anak niya.

“Of course, yung sa amin ni Robin is one thing.

“Pero mayroon din namang part ng family, like si Rommel, who’s also very understanding as far as the present situation is concerned.

“For me, it’s a blessing already. Hindi na ako nag-e-expect.