Piolo-Pascual-with-Shaina-Magdayao

Muling nagiging usap-usapan ang espesyal na relasyong namamagitan daw kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Unang na-link ang dalawa noong lumabas ang mga kuha nilang litrato mula sa ASAP Rocks sa Singapore noong nakaraang taon.

Panandaliang namahinga ang nasabing isyu pero muli itong nabuhay dahil nakikitang napapadalas ang pagsasama ng dalawa sa ilang mga lakaran.

Kunimpirma naman ito ng aktor nang makausap siya  kamakailan kung saan di rin niya tinago na espesyal para sa kanya si Shaina.

Sa interview nung nakaraang Linggo sa summer station ID shoot ng Kapamilya network, kinumpirma rin ni Shaina na totoong lumalabas sila ni Piolo at nag-e-enjoy sila sa company ng isa’t isa.

 “Sinasabi naming pagbabakulaw kasi isa siyang bakulaw, grabe siyang mag-exercise, parang end of the world na,” panimulang bungad ni Shaina.

“We run together, badminton… actually siya ang nagpasok sa akin sa badminton. Bikram [yoga] na rin siya… nagbi-Bikram na ako dati pa.

“Kami talaga ni Papa P magkaibigan kami talaga. In fairness naman sa kanya, isa siyang mabuting tao.

“Di naman ako nagsasarado ng pinto sa kahit na sino but honestly di ko nakikita ang sarili ko na pumapasok sa isang relationship. Di na muna talaga, di pa talaga ako ready, sabi ni Shaina.

“Kung darating naman ang araw na yun, mararamdaman ko naman. Right now, di pa talaga.”

Tinanong namin si Shaina kung anu-anong mga katangian ni Piolo ang nagugustuhan niya ngayong mas nagkakakilala sila.

“Choosy ka pa ba? Mabait, mabait siya talaga, isa siyang mabuting kaibigan,” saad niya.

“Siguro kung mayroon akong mga lalaking kaibigan sa industriya isa siya dun. Kung mayroon man akong kakausapin siguro about life, isa siya sa kakausapin ko.”

shaina