sunshine cruz

Noong, February 12, sinabi ni Cesar Montano na kasalukuyan na niyang inaayos ang gusot sa pagitan nila ng asawang si Sunshine Cruz.

Mahal niya ang kanyang pamilya at hindi raw siya gagawa ng isang bagay na ikasisira nito, dagdag pa ng aktor

Ngunit sa kabila nito, tila desidido pa rin daw si Sunshine na magkaroon ng “space” sa pagitan nila ni Cesar.

Hindi pa rin daw handa ang aktres na makipagkasundo sa asawa.

Sa ulat ni Pilar Mateo para sa Interaksyon na lumabas noong, February 12, kasalukuyan na raw naghahanap ng bahay si Sunshine para sa kanya at sa tatlo nilang anak na babae ni Cesar.

Nakausap daw ni Pilar si Sunshine sa isang dinner noong, February 10.

Diretsahang tinanong si Sunshine kung makikipaghiwalay na ba siya sa asawa pagkatapos ng mahigit labindalawang taong pagsasama bilang mag-asawa.

“Nag-uusap na kasi ang mga lawyers namin, tugon ng aktres

“Kaya hindi ko naman puwedeng idetalye ang mga kailangan naming gawin.

“Siguro pagod na akong ma-stress. It’s not doing  any good to me.

“So the best way siguro, talagang humiwalay na lang muna kami ng mga bata ng bahay.

“Ang focus ko kasi ngayon are my kids.”

Naganap ang panayam kay Sunshine sa isang dinner meeting niya kaugnay ng isang TV series para sa ABS-CBN.

Ito na marahil ang hudyat ng pagbabalik ni Sunshine sa pag-arte, na pansamantalang iniwan ng aktres mula nang ikasal sila ni Cesar noong 2000—maliban sa mangilan-ngilang paglabas sa TV at pelikula.