kim_xian

Buo ang suporta at handa raw alalayan ni Xian Lim ang kanyang ka-loveteam na si Kim Chiu sa kinakaharap nitong mga isyu at intriga.

Gaya na lang daw ng isyung hinaharap ngayon ni Kim tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan ng best friend at co-star nitong si Maja Salvador at ng ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

“I’m always here for her as a friend. I’ll always give her an open ear and a lending hand”, sabi ni Xian.

Nakausap si Xian sa presscon ng Book 2 ng ABS-CBN primetime teleseryeng Ina Kapatid Anak noong Enero 8 sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Ang naturang teleserye ay pinagbibidahan nina Kim, Maja, Xian, at Enchong Dee.

 

Malaking bagay raw kay Xian na tuluy-tuloy lang ang pagtatambal nila ni Kim sa Ina Kapatid Anak. Una silang nagkasama sa My Binondo Girl.

Ikinatuwa nga ni Xian na mas humaba pa ang pagsasama nila ni Kim dahil sa pagkakaroon ng Book 2 ng kanilang teleserye.

“Siyempre we’re thankful. Sobra naming thankful na umabot sa ganito.

“We’re really happy, sobrang happy namin and thankful kami sa inyong lahat.