kung fu divas

Naimbitahan sa shooting ng pelikulang Kung Fu Divas sa Revolver Studio sa Makati kahapon, March 18.

Kumpleto halos ang cast ng pelikula sa pangunguna nina Marian Rivera at Ai-Ai delas Alas, na co-producers din ng itinatayang isa sa pinakamalaking pelikula ngayong taon.

Malaking eksena ang kinuhanan kahapon at medyo mahirap dahil gumamit sila ng chroma o green screen.

Ngunit halatang masaya si Marian sa shooting.

Sabi nga niya tungkol sa pelikula, “Na-excite ako kasi bago ang mga kasama ko, except kay Kuya Dick [Roderick Paulate].

“Pero si Ate Ai [Ai-Ai delas Alas], first time ko kasi siyang maka-work kaya excited talaga.”

Mahaba pa raw ang shooting days nila dahil marami pa silang fight scenes na kukunan.

Pero kahit gumagamit sila ng chroma technology, marami pa rin daw silang mga pinupuntahang location.

“Ang dami naming location—nag-Bataan kami, nag-Anilao kami. Marami rin kaming mga location na ang lalayo,kuwento ni Marian.

“Then the rest, dito kami sa studio. Naka-harness, naka-chroma.”

Isa na sa pinakamahirap na pelikulang ginawa niya ang Kung Fu Divas, sabi pa ni Marian 

 

“Nagta-tumbling, umiikot, tumatakbo sa pader na hindi ko pa nagagawa.

“Alam kong mag-harness, lumipad, pero yung naglalakad sa mga pader, mag-twist, bumagsak, bago yun sa akin.”

 

Ang pelikula ring ito ang kauna-unahang sabak ni  Marian sa pagpoprodyus ng pelikula.

 

“Iba pala kapag ikaw ang nagpo-produce kasi ako, bilang artista, umaarte ako at palagi kong ibinibigay ang one hundred percent ng buhay ko.

“Pero dito, iba pala. Parang kahit pala pagod na pagod ka na at hirap na hirap ka na, ‘Direk, ita-try ko pa, isa pa, ha!