Bea 1

Ang relasyong Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ay nananatiling matatag at matibay sa kabila ng sunod-sunod na breakups ng ibang showbiz couples.

Pero sa gitna ng pagsasabing masaya at kuntento ang itinatakbo ng kanilang relasyon, kamakailan ay may lumabas na balitang suma-sideline daw sa ibang babae ang aktor.

Agad namang hiningan ng reaksiyon  si Bea sa isyung ito tungkol kay Zanjoe.

“Si Zanjoe? Talaga? Nasaan? Subukan niya!” pagbabanta at sabay tawa ng aktres.

“Parang wala na yata siyang time para sumideline, saka may tiwala ako sa kanya.

“Patay siya sa akin! Alam na niya ang mangyayari sa kanya pag ginawa niya yun!

“Agad-agad, walang paliwanag… ‘Out, clear the set!’ Iyon na yun!”

 

Kahit parehong busy sa kani-kanilang mga trabaho, ayon kay Bea ay nagkikita sila ni Zanjoe kahit once a week to spend quality time together.

Patotoo niya, “Actualy next week siya mag-e-every day. Ngayon, parang thrice a week na siya.

“May movie rin siyang gagawin, tapos mayroon siyang soap, so every day ang work niya.

“Every day na ang Banana Split, ngarag na. Kaya this week, kailangan talagang mag-spend kami ng time together.

“Once a week, need naming magkita. Pero pag walang trabaho, we make time for each other.”

Siniguro naman ng aktres na maayos ang takbo ng relasyon nila ni Zanjoe.

“Super happy, happiness. Siya ngayon ang busy, sobrang busy niya dahil sa work.

“Ngayong Holy week baka mag-Australia kami,” banggit pa niya.