billy

Nang makausap  si Billy Crawford sa ASAP Live! sa Studio 8 ng ABS-CBN noong Linggo, March 17, ay very proud itong nagkuwento sa ongoing fourth season ng Pilipinas Got Talent (PGT).

Sina Billy at Luis Manzano ang hosts ng nasabing reality talent show simula pa noong Season 1.

Mas marami pa silang talents na nadi-discover at karamihan dito ay potential stars; tulad ni Jovit Baldivino, ang grand champion ng first season ngPGT, na patuloy umaariba ang singing career, ayon kay Billy.

Gayundin ang second-season winner na si Marcelito Pomoy, na nakilala dahil sa kakayahang mag-boses lalake at babae.

“Yeah, I’m very proud of them. Lalo na siyempre kina Jovit and Marcelito, simula ni Billy

“They represent what PGT is all about—we discover genuine talents tapos they become stars.

“Yung batch ngayon, ang gagaling din nila. There are many of them na mapapa-wow ka talaga.

“Meron namang nakakatawa at nakakatuwa. There are those na nagpupumilit or gusto lang makita sa camera.

“But all of them are part of PGT.

“So, kung anuman ang purpose nila or naipakita nila, once tumayo sila sa stage, they become a part.”

Pagmamalaki pa niya, “Yung batch ngayon, nag-level up na.

“At yung mga judges, mas naging strict na rin sila. Mas naging mataas yung standard of choices nila.”

Sina Kris Aquino, Ai-Ai de las Alas, at Freddie Garcia pa rin ang hurado ng fourth season ng PGT.

INTERNATIONAL SINGING CAREER. Now talking about his own talent, ibinalita ni Billy ang nakatakdang pag-alis niya para muling balikan ang kanyang international singing career.