john

Sa simula pa lang ng presscon ng ikatlo at huling installment ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na It Takes A Man and A Woman sa Dolphy Theater kahapon, March 18, napansin ng ilang entertainment press na iba ang timbre ng boses ng aktor na tila may ubo o sipon ito.

Ipinaliwanag naman ni John Lloyd na umaga na raw kasi sila natapos sa shooting at wala pa siya halos tulog.

Pero nagulat ang marami nang maging emosyunal ang aktor sa tanong kung ano ang natutunan nilang dalawa ni Sarah sa kanilang mga karakter bilang Miggy Montenegro at Laida Magtalas sa loob ng tatlong pelikula—A Very Special Love(2008), You Changed My Life (2009), at ito ngang It Takes A Man And A Woman.

“Si Miggy naman, si John Lloyd, isa sa pinakaimportante—hindi na importante, understatement yun, ayon kay John Llloyd.

“Yung pinakamahalaga na natutunan ko, you know, lahat ‘to, lahat ng nangyayari ngayon—success, fame,  money.

“Alam mo, sinabi sa akin noong isang karakter sa ano…”

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni John Lloyd ang mapaluha.

Nang mahimasmasan ay saka niya itinuloy ang kanyang pahayag.

“In the end, sa lahat ng nangyayaring maganda, yaman, success, in the end, sasabihin sa ‘yo, just be a good person.

“Yun lang, that’s all that matters. Yun lang, just be a good person.

“Lahat secondary.”

Sinegundahan ito ni Sarah na hindi madali ang maging good person—choosing between being the best or good person.

Sabi naman ni John Lloyd, “Yun kasi, e, that’s Miggy.

“You want to be the best. You want to be number one.

“Yun ang gusto niya, ma-conquer niya. He wants to conquer the world.