jolina

Kasabayan na ni Jolina Magdangal ang mga Kapuso actress na sina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon sa pagganap na nanay.

Gaganap na “anak-anakan” ni Jolina si Alden Richards sa bagong primetime series ng  GMA-7  na Mundo Mo’y Akin.

Okay lang ba na mommy roles na ang ginagampanan niya kahit sa totoong buhay ay wala pa siyang anak?

“E, kasi iyon na yun, e,tugon ni Jolina

“Yun lang, nakakatawa lang na konti lang ang age gap.”

Thirty-four years old si Jolina, samantalang si Alden naman ay 20 years old.

Patuloy niya, “Pero ngayon yata, ang ano na lang, e, kung paano mo gagampanan.

“Hindi na yung ganoon na ganoon o naney na naney na ang hitsura.

“Ang sa akin na lang, iba pa rin kasi kung inilabas mo, di ba? Ibig sabihin, nagdaan ka talaga sa ganoon.

“Hindi ko naman siya ipinanganak.

“Although, naninibago ako kasi sa Daddy Dearest, si Milcah [Nacion], puwede mo pang kandungin.

“E, ‘eto, nagpa-picture kaming dalawa, parang JS [junior-senior] prom lang, parang papasa na prom.

“Nakakapanibago, pero tingnan natin kung paano ko magagawa sa ayos, sa acting, di ba?

“Doon naman yun mababase lahat, e.”