Kris
Nag-file ng temporary protection order (TPO) ang TV hostactress na si Kris Aquino laban sa kanyang dating asawa na si James Yap.

Ayon sa report  ngayong araw na eto, March 20, inakusahan ni Kris si James ng “overstepping his boundaries and of attempting to seduce her while visiting her home, and of inflicting psychological harm on their son Bimby.”

Sa Makati City court inihain ni Kris ang kanyang petition.

Ang TPO ay may bisa hanggang tatlumpung araw mula sa issuance nito, bagamat pagkatapos ng hearing, hihilingin ng petition na gawing permanente ang protection order.

Ang protection order, ayon sa Republict Act 9262 o Anti-Violence Against Women And Their Children Act, “is an order to protect victims of domestic violence from further harassment or harm by their spouses or partners.”

Sa kanyang petition, hiniling ni Kris sa korte na utusan si James “to stay away from her, her 5-year-old son Bimby and any household member, keep a distance of at least 100 meters, and to stay away from her residence, school, place of employment or any place frequented by her and her son.”

Idinetalye rin sa petition na noon daw bumisita si James sa condominium unit ni Kris noong Disyembre upang sunduin si Bimby—bilang bahagi ng dalawang beses sa isang linggong pagdalaw ng basketbolista sa anak—pumasok daw si James sa kuwarto ni Kris at gumawa ng “over sexual advances,” na mariin daw tinanggihan ng TV host-actress.

Dahil sa kanyang pagtanggi, nakapagsalita raw si James ng “mean and malicious statements.”

Nakasaad din sa petition na umakto si James “as if he was still entitled to his matrimonial rights,” kahit na hindi na sila kasal ni Kris, kunsaan ipinipilit daw nito ang sarili sa dating asawa sa harapan ng kanilang anak.

Dahil natakot daw sa eksenang nasaksihan, na sinundan pa ng mainit na pagtatalo, sinabihan daw ni Bimby ang kanyang ama na umalis sa kuwarto at tumigil na sa pananakit sa kanyang ina.

Binanggit din sa petition na pumuwesto raw si Bimby sa pagitan ng kanyang mga magulang at nakiusap kay Kris na paalisin si James.

Mula raw noon, ayon sa petition, nagpakita raw si Bimby ng “signs of being highly upset and agitated” kapag kasama niya ang kanyang ama o tuwing naririnig nito ang boses ng ama sa telepono.

Sabi pa sa petition, “The physical, sexual, emotional, psychological and moral harm and injury foisted (on that day) was occasioned by the unfettered access of respondent Yap on the household and persons of the petitioners.”

 

 ” Lumalabas na ang pinag-ugatan ng pagpa-file ni Kris ng TRO laban kay James ay may kinalaman sa naging pahayag ng TV host-actress sa kanyang mga panayam noong Disyembre 2012 hanggang Enero ng taong kasalukuyan.

Noong December 2012 ay mariing pinabulaanan ni Kris ang pahayag ni James sa isang interview na maayos na ang kanilang samahan at magkaibigan na raw silang muli.

Sabi ni Kris sa presscon ng pelikulang Sisterekas noong December 4,  “Ayaw kong magpaka-plastic sa inyo, e. It’s easy to tell we’re good and all… we’re not.