heart_chiz

Ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang magpa-interview ang mag-inang Cecile Ongpauco at Heart Evangelista tungkol sa magandang relasyon nila ngayon bilang mag-ina at bilang talent manager at talent.

Ang interview ay naganap sa contract signing ni Heart sa GMA-7 noong March 5.

Dito ay sinabi ni Heart na maayos na ang relasyon nila ng kanyang ina, kumpara noon na nagkaroon sila ng hidwaan dahil sa pagsunod ng young actress sa kanyang puso.

“We’re very good, actually. Kasi she… I guess she trusts me more.

“Siyempre, ilang taon na ako. I just turned twenty-eight so we’re so much better, communication is better now,” sabi ng Kapuso actress.

Pero ngayon ay may alitan na naman sa pagitan ng mag-ina, at pati na sa ama ng aktres na si Rey Ongpauco.

Gusto ng mga magulang ni Heart na layuan na ni Senator Chiz Escudero ang kanilang anak.

Ang 43-year-old senator ang kasintahan ngayon ni Heart.

Nagpatawag ng press conference sina Rey at Cecile Ongpauco sa kanilang tahanan noong, March 19.

Dito ay ipinahayag nila ang kanilang pagtutol sa relasyon ni Heart kay Chiz.

Wala raw paggalang sa kanila ang senador, ayon sa mag-asawang Ongpauco.

Sinisigawan din daw ni Chiz si Heart at minamanipula ang aktres para bumaligtad sa kanila.

“Ang tao pag bastos sa magulang… lalo na yung anak ko, balang-araw, kawawa naman yun, baka ano mangyari do’n, sabi ni Mr. Ongpauco.