dedication

Ginanap ang dedication ng anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence  sa The Verandah function hall ng The Oasis sa Aurora Boulevard, Quezon City, noong, January 18,2013.

Katrence Lawrence Halili Cadevida, ang buong pangalan ng baby girl nina Katrina at Kris.

Ang celebrity godparents ni Katie (palayaw ni Katrence) na dumalo ay sina Mark Herras (na umalis agad dahil may rehearsal pa ng Party Pilipinas), Sunshine Dizon, ang talent manager na si Arnold Vegafria, at si Dennis Laurel.

Hindi nakadalo ang mga ninang na sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado na parehong nasa Sinulog Festival sa Cebu. Wala rin sina Rachel Donaire at Nikki Gil.

Hindi rin nakadalo ang iba pang mga ninong na sina Billy Crawford, Mark Bautista, Gaby Eigenmann, at Nonito Donaire.

Ang ilan pa sa celebrity guests ay ang mga mga ka-batch ni Katrina sa StarStruckSeason 1 na sina Yasmien Kurdi at Jade Lopez.

Kasama ni Yasmien ang kanyang mister na si Rey Soldevilla Jr. at ang kanilang anak.

Kasama rin ni Sunshine na dumalo ang mister niya na si Timothy Tan (isa rin sa mga ninong) at ang bunso nilang anak.