xian

Pagkatapos ng mga primetime series na My Binondo Girl at Ina Kapatid Anak,isang pelikula naman ang ginagawa ngayon nina Xian Lim at Kim Chiu under Star Cinema.

Kinumpirma ito ni Xian nang makausap siya noong, March 16 sa ASAP.

 “I’m doing a movie right now. Yeah, with Kim—it’s our first time doing a movie together,” sabi ng young actor,

“Siyempre excited… siyempre may pressure, sagot ni Xian,

“I’m really praying na it will turn out great.”

Saan ba galing ang pressure na iyon? Dahil ba sa sunud-sunod na loveteam movies ang ipinalabas kailan lang, tulad ng A Moment In Time nina Coco Martin at Julia Montes It Must Be Love nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

“No naman,” pagtanggi ni Xian.

“It’s more of… it’s my first movie with Kim. And it’s also my first lead role in a movie…

“Yun at marami pang bagay.”

 

  Ano ba ang bagong maipapakita nilang dalawa dito ni Kim kung ikukumpara sa una nilang pagsasama sa telebisyon?

“Ano kasi… ang ano dito ay basically pareho kaming bago ni Kim, ayon kay Xian,

“So, marami pa kaming maipapakita ni Kim sa tao na hindi pa nila nakikita.

“One thing is we’re in a big screen this time, iba yung story as before.

“Kung anuman yung limits namin sa series before, I hope dito sa movie.., mas malawak yung pwede naming ipakita—both as actors and as persons.”