james

Noong March 20, nagbigay ang basketbolista ng kanyang panig sa isang one-on-one interview kay Jo-Ann Maglipon kasama ang writer nito at si Atty. Sonya Castillo, sa opisina ng Kapunan Garcia & Castillo sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Sinabi ni James na ito na raw ang huli niyang panayam na ibibigay sa media, na nagdagsaan sa opisina ng kanyang abugado matapos mag-leak sa diyaryo ang mga protection order na hiningi sa korte ni Kris laban sa kanya.

Si James Yap, kilala bilang likas na tahimik ang basketball player, pero sa pagkakataong ito, malinaw na gusto niyang ipaliwanag ang sarili, matapos lumabas ang sinasabi ni Kris sa korte na pang-aabuso ni James sa kanya.

“Sirang-sira naman ako sa istoryang iyon,” “Masyado naman na ang ginagawa sa akin,” sabi ni James.

Sa aking pag-aakala ay okay kami ni Kris at may kanya-kanya na kaming buhay.

Ang tanging nag-uugnay lang saming dalawa ay aming anak na si Bimby at hindi niya maalis ang aking karapatan bilang isang ama.

Maayos nman kami at hindi ko akalain na sa aking pagbibiro ay seseryosuhin ni Kris.

“Ang kuwento talaga dun, bago nangyari yun lahat, okay kami, e.

“Nagbibiruan kaming dalawa. Gaya ng yung sa pants ko nga, biniro niya ako, ‘You’re so baduy. Your pants is so baduy.’

“Tapos, sinabi ko rin, ‘Parang you gained weight.’ Ganoon. So yung biruang ganoon.”

Kaya naman, noong Disyembre 3, 2012, hindi raw nag-alangan ang San Mig Coffee Mixers cager na biruin ang five-year-old son sa harap ni Kris dahilan sa aking pag-aakala ay hindi bibigyan ni kris ng kahulugan ang aking pagbibiro pero nagkamali pala ako.