chiz (1)

Live na nag-guest si Heart Evangelista sa H.O.T. TV ng GMA-7  kahapon, March 24, upang sagutin ang mga katanungan hinggil sa isyu sa pagitan nila ng kanyang mga magulang na sina Cecilia at Rey Ongpauco bunga ng pagpapatawag ng mga ito ng presscon upang isapubliko ang pagtutol ng mga ito sa kasintahan niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Unang tinanong ng H.O.T. TV host na si Raymond Gutierrez kung bakit nagdesisyon na sa wakas si Heart na magsalita tungkol sa eskandalo.

“Siguro dahil masyadong madami nang nasasaktan, aside from me.

“Nahihiya na rin ako sa ibang mga taong nadadamay kaya I decided to speak today,” ang umpisang pahayag ni Heart.

At lahat ng paratang nila tungkol kay Chiz ay hindi totoo dahil sa katunayan napakasaya naming dalawa..

“I think si Chiz, siyempre nai-stress siya, it’s election pero mas concerned siya sa akin kasi pamilya ko yung nasa TV ngayon, sagot ni Heart.

“Hindi naman kami masyadong nagpapadala, kailangang matatag pero mahirap lang talaga para sa akin.”

“Today, tomorrow and the next will bring me heartaches. Why try to take away my happiness,”ayon kay Heart.

“Sa tingin ko, dahil magulang ko sila, gusto nilang mapunta ako sa mabuti at gusto nilang maging masaya ako.

“Sa umpisa okay lang po iyon dahil siyempre hinahanap mo pa yung sarili mo, kung sino ka talaga sa mundong ito.

“You grow and you learn but there comes a time when you have to choose what makes you happy,” umiiyak nang sabi ni Heart.

“So medyo mahirap, actually mahirap na nandito ako ngayon dahil mahal na mahal ko sila, mahal na mahal ko yung magulang ko at ginagawa ko ang lahat-lahat.

“Pero sana, hayaan na lang nila akong maging masaya, yung walang kokontra at walang pipigil kung anong nagpapatawa sa akin.

Hayaan nila na hanapin ko ang aking sarili at magdesisyon para sa aking kaligayahan.