pizap.com13643137679511

Bago umalis patungong Europa si Kris Aquino noong Sabado, March 23, kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby, nagpaunlak ito ng isang eksklusibong taped interview sa The Buzz na ipinalabas noong Linggo, March 24.

“Alam ninyo kasi, kanina, nakausap ko ang sister ko and I realized the last time akong nakapunta ng Europe was twenty-one years ago,saad ni Kris.

“As in, half a lifetime ago, kasama ko ang mommy ko  (the late President Cory Aquino).

“At lahat ng pupuntahan namin ngayon, pinuntahan namin noon ng mom ko.

“So, I was telling my sisters na, sabi ko,  na sana talaga mag-enjoy mga  kids, Mag-enjoy kami. Magkaroon kami ng time for a lot of prayers.”

Ang bakasyon daw na ito ay pagkakataon ni Kris para maging full-time mom sa kanyang dalawang anak.

“The two weeks that I will be away is a gift from God.

“I’ll make the most of this opportunity, which is to be a mom.

“I’m happy that we’re together, we’re leaving, and excited sila sa mga gagawin namin.

“Pero, hindi mo naman kasi puwedeng mabura just by leaving kung anuman yung pain na meron, lalo na doon sa maliit ko,” pagtukoy ni Kris kay Bimby.

 Sa mga pinagdadaanan ngayon ni Kris, merong mga nakikisimpatiya at meron din namang nangungutya.

Sabi ng TV host-actress tungkol dito, “Sa mundong ito, wherein you’re public, you are either be loved or hated.

“Sa akin, alangan namang ikatuwa ko, di ba?

“I’m still standing and, I think, that’s the most important thing.”

Sa kabila naman ng lahat, todo naman daw ang mga natanggap niyang suporta.

“Sa totoo lang, sobra naman akong na-overwhelmed sa pagmamahal na ipinakita sa akin ng pamilya ko, mga totoong kaibigan namin, mga katrabaho ko, tagahanga ko.

“Ramdam na ramdam ko naman talaga, saad ni Kris…