Richard

Si Richard Gutierrez ay gaganap bilang karakter ng isang elite soldier sa bagong Kapuso primetime series na ” Love and Lies ”

“Exciting talaga ‘yong project, full support ‘yong (Philippine) Navy sa amin. First time nilang makipag-coordinate sa isang production. At yung mga equipment, mga vehicle nila under disposal na ipapahiram nila sa amin,” kwento ni Richard na nagpagupit ng buhok para sa kanyang karakter.

Inamin ng aktor na isa sa mga pangarap niya ay ang maging sundalo kaya masaya siyang maranasan ang pagiging sundalo kahit sa telebisyon lang.

“Malaking karangalan eto para sa amin, para sa network, na makipag-cooperate sa Navy. So, iyon nga, ang wish namin na sana talagang mapaganda yung project at mabigyang hustisya yung tamang portrayal,” pahayag ni Richard.

Ang “Love And Lies” ang magiging kauna-unahang full suspense series na mapapanood sa primetime line-up ng GMA.

“It’s the first time na magkakaroon ng ganitong concept ang GMA Primetime, suspense serye. Gagawin nilang very high paced at fast paced yung mga eksena. At gagawin nila na every week talaga, aabangan ng mga tao yung mga magaganap sa susunod pang linggo,” ayon kay Richard.


Makakasama ni Richard sa series sina Sid Lucero, Paolo Contis, at Michelle Madrigal.

Isa pang aktres ang pinagpipilian na makakasama ni Michelle  bilang leading lady sa “Love And Lies.”

“Pati yung cast nagiging suspense serye na rin dahil may missing link pa kami sa cast member. Kaya ayun, medyo nagiging exciting kung sino ba talaga yung mga leading ladies ko,” pahayag ni Richard.

Lilibutin din umano ng production ang Pilipinas para sa mga kukunang eksena at maipakita sa mga manonood ang magagandang lugar sa bansa.

Excited na siya sa mga gagawin niyang mga action scene at matagal na niyang hinihintay ang ganitong uri ng proyekto, sabi ni Richard.