Jennylyn

Jennylyn Mercado nilinaw  ang kontrobersiyal na pagluha niya sa harap ng ilang media matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA-7.

Exclusive na nakapanayam  si Jennylyn sa dressing room niya sa H.O.T. TV  noong, February 3.

Hindi naman siya nagpatumpik-tumpik na magpaliwanag tungkol sa nangyari.

Matatatandang tumalikod na si Jen at tahimik na umiyak sa kalagitnaan ng panayam sa kanya ng press sa contract signing.

Hindi nito nakayanan kontrolin ang sarili habang sinasagot niya ang isyu sa kanila ng dating kasintahang si Patrick Garcia at ama ng kanyang anak na si Alex Jazz.

Sinabi ni Patrick na ipinagkakait diumano ni Jennylyn sa kanya ang kanilang anak dahil hindi sa pagpalya niyang magbigay ng sustento.

Hindi nagsalita si Jen nang masulat sang mga rebelasyon ni Patrick. Kahit sa H.O.T. TV ay tumanggi siyang sagutin ang akusasyon sa kanya ng aktor.

Kaya nga hindi pa natatapos ni Jen ang interview niya sa contract signing, naging emotional na siya agad.

Paliwanag ni Jennylyn , “Kasi hindi ako makapagsalita at ayaw ko nang magsalita.

“Kahit na alam kong maraming masasakit na salitang sinasabi sa akin, pinili ko na lang na huwag magsalita para wala nang masyadong gulo.

“Mahirap yung magpigil ka na sabihin ang gusto mong sabihin.

“Pero tiniis ko yun para hindi na lang magpiyestahan ng mga tao yung sa amin.

“Naawa lang talaga ako sa anak ko na feeling ko nagamit siya, nagamit kaming dalawa.”

Gusto ni Jen na maging positibo sa pagpasok ng Chinese New Year kaya itinikom na niya ang bibig sa gusot nila ni Patrick.

 Mas gustong pag-usapan ni Jen ang nararamdamang excitement sa panibagong tatlong taong career niya sa GMA-7.

“Sa  May pa ‘yan magti-take effect kasi doon pa lang mag-e-expire yung contract ko,” banggit niya.

Nagsiguro ba ang GMA-7 kaya pinapirma siya nang maaga?

“Hindi naman, pero siyempre, parang ano na rin yun… gusto kong ipakita sa kanila yung loyalty ko.

“Bakit naman hindi? Wala naman akong planong lumipat, e.”

Kailan niya naramdaman itong loyalty niya sa GMA-7?

“Parati naman, e. Kumbaga, kahit inisip, hindi namin inisip o kinonsider ng manager ko [Becky Aguila] na lumipat.

“Kahit dumating yung time na nabuntis ako, at feeling ko hindi na ako makakabalik, hindi namin inisip yung lumipat sa ibang network.

“Kasi tinanggap naman nila ako kahit ang dami kong pinagdaanan, maraming nangyari sa buhay ko. Kaya nakakatuwa.

“Kaya bilang kapalit, ibinibigay ko ang loyalty ko sa kanila.”

Bakit naman yung iba, kahit may career pa sa GMA-7 ay pinili nilang lumipat sa ibang istasyon?

Tugon niya, “E, depende naman yun sa sitwasyon. Kumbaga, case-to-case basis lang ‘yan. Walang personalan.

“Siyempre, gusto rin nilang sumubok ng ibang istasyon, makapasok ng ibang opportunity.

“Hindi naman natin sila masisisi.”

 Si Jennylyn ang kauna-unahang female winner ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.

At gaya niya, nananatili pa ring loyal sa Kapuso network ang male counterpart at ex-boyfriend ni Jennylyn na si Mark Herras.

Sabi ng actress-TV host dito, “Nakakatuwa kasi na-maintain namin yung status.

“Siyempre, maraming dumarating bago, nag-i-excel rin sila, masipag at ginagalingan nila.

“Worth it naman, di ba?

“So, kami ni Mark, nakakatuwa dahil narito pa rin kami sa showbiz at hindi pa rin kami nawawala—may mga dumarating pa ring opportunities.”

Nami-miss ba ni Jen ang team-up nila ni Mark?

“Oo naman, kasi talagang, kumbaga, ang tagal naming nagsama.

“At ang dami naming tagahanga hanggang ngayon.

“Yung mapanood lang kami magkasama sa stage ng Party Pilipinas or nung nakaraang production numbers namin, tuwang-tuwa yung mga fans.

“Kasi marami pa ring sumusuporta sa Mark-Jen.”

Pagpapatuloy ni Jen, “Nagsama kami uli ni Mark dalawang beses.

“Siya yung ka-loveteam ko pagkatapos kong manganak.

“Siguro mga two or three years kaming hindi nagkakasama sa trabaho.”

TEN YEARS. Kailan ba siya magti-ten years sa showbiz?

“Yung official na pumirma ako sa GMA, next year pa sa February.

“Pero yung pagsali ko sa StarStruck, October this year,” pagbabalik-tanaw ni Jennylyn.

Kung bibigyan siya ng chance na magkaroon ng anniversary celebration, ano ang concept o theme ang gusto niya gawin?

“Oo naman, gusto kong magkaroon ng celebration or special.

“Kasi hindi naman biro sa isang artista na makarating siya ng ten years sa industry na ito.

“Minsan yung mga artista, na-realize nila na, ‘Ay, eto yung path na gusto ko, gusto kong magtrabaho.’

“Ako naman, eto yung napuntahan ko.

“Kung ako ang papipiliin, gusto ko yung simple celebration lang, may show rin.

“Siguro isi-celebrate ko yung ten years ko na kasama ko yung mga fans.

“Tapos kasama ko yung mga taong nakatrabaho sa ten years, like si Mark Herras, mga naging ka-loveteam.

“Yung mga taong mahalaga sa akin na nasa loob rin ng showbiz… gusto ko yung ganon.”