Luna

Si Katherine Luna , matapos ang ilang bigong pag-ibig sa kanyang buhay, inihayag ng dating star ng indie film na Babae sa Breakwater na masaya siya ngayon dahil nahanap na niya ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay.

Sa artikulong isinulat, sinabing ipinakilala ni Katherine sa unang pagkakataon  Ang Latest Uplate: Holy Week Special ng TV5 ang kanyang half-Italian, half-Filipino boyfriend na si Alessandro Lezio.

Nakilala niya si Alessandro sa Zamboanga nang minsan nag-show siya doon. Nagtatrabaho daw ang binata sa isang restaurant kung saan niya ito nakilala, kuwento ng aktres.

Matapos na magkapalagayan ng loob, pinili ni Katherine na mag-stay na muna sa Zamboanga ng ilang buwan kung saan araw-araw na silang nagkikita ng lalaki.

Noong una ay dini-discourage daw ng aktres si Alessandro dahil mayroon na nga siyang limang anak mula sa mga lalaking dati niyang minahal. Bukod dito, mas bata ito sa kanya.

Pero naging masigasig umano ang 26-anyos na si Alessandro sa panliligaw hanggang sa nag-propose na daw ito sa kanya.

Ikinuwento naman ni Alessandro na hindi niya agad nalaman na artista si Katherine nang una niya itong makilala sa restaurant.  Nagtataka umano siya nang makita niya na maraming nagpapakuha ng larawan sa aktres.

Unang pagkakita pa lang umano niya kay Katherine ay nagkagusto kaagad siya dito: “The moment I saw her, I know she is the one. I saw her, and she’s the type of girl that I like. Of course, when she starts to talk, how she thinks, finally she was with me and Zamboanga.”

Idinagdag ng binata na naipakilala na raw niya si Katherine sa kanyang pamilya at wala naman daw naging problema.

Dahil kay Alessandro, handa umano si Katherine na tuluyang iwan na ang showbiz kapag inaya siya ng binata na magpakasal at manirahan na sa Italya