the bride and the loverHindi naman daw nailang ang aktres na si Jennylyn Mercado nang kunan ang kanyang love scene sa kanyang bagong pelikulang “The Bride and the Lover” dahil tiwala raw ito sa kanilang direktor na si Joel Lamangan.

Wika pa ng aktres sa ulat ng Chika Minute ng 24 Oras , “Ito kasi, mas passionate, kakaibang Jennylyn at kakaibang Lovi ang makikita nila dito.”

Gayundin, ang naturang pelikula naman daw ang huling pagkakataon na gagawa ang aktres na si Lovi Poe ng intimate scenes.

“Ito na nga yong pinaka-extreme na ginawa ko na I cried. Gusto kong magpahinga sa mga ganitong eksena afterwards,”sabi ni Lovi.

Makakasama rin ng dalawang Kapuso actress sina Paulo Avelino at Hayden Kho sa nasabing pelikula.

Abangan ang The Bride and the Lover in Cinema Nationwide on May 1,2013.