Ara

Nakalipas ang mahigit  isang taon ang pagpapalitan ng mga masasakit na salita ng magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes, nakita ang isang larawan na nilagay ni Cristine sa kanyang Instragam account noong Apil 1.

Pinakita sa larawang eto na kayakap ni Cristine ang kanyang half-sister na si Ara Mina.

“With the gift of listening comes the gift of healing,” yan ang nakalagay na caption sa larawan nilang magakapatid.

Nagkaayos na ang magkapatid, sa madaling salita ngkaayos na ang magkapatid.

Unang kinumpirma ni Ara ang pagbabati nila ni Cristine sa contributor na si Gorgy Rula noon ding Lunes.

“This time, yes,” sagot pa ni Ara sa text nang tanungin ni Gorgy kung naramdaman niya ang sinseridad ni Cristine sa pakikipagbati nito sa kanya.

Matatandaang humantong sa demandahan ang alitan nina Ara at Cristine.

Nagsampa ng kasong libel at grave coercion si Ara laban kay Cristine sa Quezon City fiscal’s office noong April 18, 2012.

Ito ay dahil daw sa patutuloy na paninira ni Cristine kay Ara sa mga kamag-anak at kakilala nila.

Ayon sa report ng InterAksyon.com kahapon, April 2, sinabi ni Ara na naganap ang pag-aayos nila ni Cristine noong Biyernes Santo, March 29.

Nagpadala nang sunud-sunod na text messages sa kanya si Cristine noong Huwebes Santo, March 28, kuwento ni Ara Mina.

Humingi si Cristine ng permiso na mabisita si Ara upang makapag-usap sila.

“Sabi niya, hindi na niya kaya. And sabi rin niya, kung hindi pa kami magkikita, pupunta na lang siya ng Baguio since nandun na ibang mga kasama niya,” sabi ni Ara.