Rosanna

Noong April 1, tila nagbigay na ng kanyang kasagutan sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ang award-winning actress at dating sexy star sa mga taga-press na gustong kapanayamin si Rosanna Roces.

Sa kanyang status tungkol sa mga gustong mag-interview sa kanya, sabi ni Osang.

“Sa mga press na tawag ng tawag …Pls lang Usaping pamilya ito..irespeto nyo naman..hindi ito isyu na dapat nyong ilathala o pagkakitaan ..Para ano Para saan????? makakagulo lang kayo sa mga isyung dapat kaming mag ina ang involve, Huwa niyo ng gamitin ang isyung to sa pag divert sa mga isyung pumapatay sa bawat isa sa ating lahat..YAN ay ang mga nagyayaring katiwalian sa pamahalaan at isyung lahat tayo ay pinahihirapan.”

Sa status niya ring ito, nakiusap siyang huwag itulad kay Kris Aquino.

Matatandaang naging laman ng mga balita at naging usap-usapan sa buong bansa ang tinaguriang “Queen of All Media” dahil sa gulo nito sa dating kinakasamang si James Yap.

Damay rin sa pakiusap ni Osang na huwag itulad kay Kris, ang kapatid ng TV host-actress na si Presidente Noynoy Aquino.

Sabi pa ng dating “TF Queen” o “Titillating Films Queen” tungkol sa pakiusap niyang huwag nang magsalita tungkol sa nangyari sa kanila ng anak niya.

“…HINDI SHOWBIZ ANG ANAK KO AT UMIIWAS NA AKO MATAGAL MAG PA INTERVIEW at  WALANG Maidudulot DIN NAMANG mabuti ang PAG UUSAPAN. ang problema ng INA at ANAK ay di problema ng BAYAN, kaya nakikiusap ako. MAG ISIP..TALAKAYIN AT PAG USAPAN ANG ISYUNG NAGBABAON SA ATIN SA KAHIRAPAN. Spare us pls….Para na lang sa NANAY ko.”