Glaiza

Si Glaiza de Castro Kapuso star ng GMA, ayon sa kanya kung siya ang masusunod,ayaw niyang makahon lang sa iisang role kahit napakaraming humahanga sa kanya bilang kontrabida sa pagiging Heidi niya sa Temptation of Wife.

Sinabi ni Glaiza na bagamat nag-eenjoy siya sa mga kontrabida role, nais pa rin  niyang gumanap sa ibang karakter, sa panayam sa kanya kahapon sa Unang Hirit.

Katulad sa isa pa niyang project na Vampire And Daddy Ko kung saan kasama niya ang mag-amang Vic at Oyo Sotto. Kahit kontrabida rin ang role ni Glaiza, kakaiba naman ito dahil may comedy.


Ikinuwento rin ng aktres kung gaano kahirap ang mga mabibigat na eksena nila ni Marian Rivera saTemptation Of Wife na may pagkakataon na nakararanas siya ng hirap sa paghinga.

At dahil epektibo ang kanyang pagganap bilang kontrabida sa Temptation Of Wife na nakatakdang magtapos ngayong Biyernes,  sinabi ni Glaiza na “Heidi” ang tawag sa kanya ng mga taong nakakakita sa kanya sa labas.

Ang mahusay na pagganap ng mga star sa Temptation Of Wife ay bunga umano ng magandang samahan nila sa show kaya hindi sila nagkaka-ilangan kapag gumawa ng eksena.

Marami rin siyang natutunan sa masamang karakter ni Heidi, partikular ang tinatawag na “balik” kapag gumawa ng masama, dagdag pa ni Glaiza.