Tiya Pusit

Ang komedyanang si Tiya Pusit ay matagal nang usap-usapan na pagpapakasal daw siya sa kanyang boyfriend na foreigner.

Inusisa eto sa proclamation rally ng United Nationalist Alliance (UNA) noong March 31 sa Liwanag Bonifacio, nilinaw niya ang usap-usapan na hindi na raw sa foreigner na kanyang karelasyon ang nasabing kasal, kundi sa isang pinoy na isang taon at limang buwan na raw niyang kasintahan.

Madalas makasama si Tiya Pusit bilang regular host or entertainer sa mga UNA campaign rallies.

Si Nathan Villa ay 27 years old at taga Las Piñas, kasa-kasama daw niya eto sa rally at halos 37 years ang kanilang agwat sa edad. Noong nakaraang buwan March 23 ay ipinagdiwang ni Tiya Pusit ang kanyang ika 64th birthday.

Nakilala daw niya si Nathan sa  Facebook at dagdag pa niya tatlo nga daw sila, dalawang foreigner at isang pinoy. Pero si Nathan daw ang masigasig manligaw kaya napa-oo daw siya ni Nathan.

May trabaho naman daw ito sa isang call center at kapag naka-day off ay sumasama-sama sa kanya sa mga political rally ng oposisyon para tumulong sa pagbitbit ng kanyang mga gamit.

Dahil matagal na rin ang kanilang samahan, hindi maiwasang maitanong sa kanya ang tungkol sa kanyang sex life.

Naku, walang sex. Meron kasi akong hypertension, kaya bawal akong ma-excite masyado. Minsan sinubukan namin, ayun… ospital ang bagsak ko,” natatawang kuwento nito.

Sa ngayon, balak na raw sana nilang magpakasal kaso ikakasal daw ang kapatid ng lalaki ngayong taon kaya baka next year na lang daw dahil naniniwala sila sa ‘sukob’— ang pamahiing Pinoy na nagpapaniwalang malas ang pagpapakasal ng magkapatid sa parehong taon.

Wala naman daw problema sa pamilya ng lalaki ang agwat ng kanilang edad, at naipakilala na rin daw siya nito sa kanyang mga magulang.

Isa lang daw ang problema ni Tiya Pusit, na nagwikang, “Mas matanda pa ako sa kanila. Anong itatawag ko sa kanila?”