Gladys Reyes

Sina Gladys Reyes at Raymart Santiago ay unang beses pa lang sila magkakasama sa ipapalabas na teleserye ng GMA-7 na Home Sweet Home.

Sa mga naunang eksena ng taping nila, nalaman ni Gladys na mahilig pala si Raymart magpatawa na akala niya noon ay seryoso.

 “Yun nga, hindi ko ine-expect na funny pala siya,” saad ni Gladys.

“Kasi, palagi siyang seryoso ang mukha.

Hindi naman siya yung palangiting ganyan na smiling face.

“Pero halimbawa, magkaeksena kaming ganyan, blocking pa lang…

“Minsan nga, ako ang nako-concious na baka marumi ako o baka masyadong makapal ang make-up ko.

“Tapos, maya-maya, blocking… biglang sasabihin niya, ‘Saan ka nagpakulot?’ Yung ganoon!

“Siyempre, matatawa ako.

“Tapos maya-maya naman, ‘Okay ang belt mo, a!’ Gusto yatang maging stylist ko!” natatawang kuwento ni Gladys.

 Baka raw paraan iyon ni Raymart para mas maging okay ang working relationship nila, ayon pa kay Gladys.

Si Gladys at ang misis ni Raymart na si Claudine Barretto ay madalas na nagkakasama sa mga nakaraang proyekto nila.

“Siyempre, never pa kaming nagka-work ni Raymart. Si Claudine kasi, palagi. 

“Tapos, kailan lang din yata kami nagkausap ni Claudine sa phone.

Parang siya na lang din yata ang hindi ko nagge-guest sa show ko na Moments.”