Joey Reyes on Sharon Cuneta

Pinaghahandaang mabuti ngayon ang writer-director na si Jose Reyes ang isang malaking proyekto niya sa TV5 na pagbibidahan ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Nakausap  si Direk Joey sa taping ng Ang Latest sa Studio B ng TV5 para alamin ang iba pang detalye ng project.

Bungad na kuwento niya, “Ako ang magiging headwriter ng telenovela ni Sharon Cuneta.

“Ni-request ako ng TV5 na mag-headwrite at pumayag ako dahil si Sharon iyon at, higit sa lahat, dahil ang direktor doon ay si Joel Lamangan.”

Kakaiba sa mga nagawa na ni Sharon ang next project niyang ito sa Kapatid network, ayon kay Direk Joey.

Hindi siya heavy drama. As a matter of fact, hindi siya even drama, it’s a dramedy. It’s a drama-comedy.

“At dito makikita si  Sharon ng masa.

“Ang karakter niya rito is masang-masa—ina siya, asawa siya, pero masa.”

Ni-require bang magpapayat si Sharon dito?

“Actually, hindi kailangan sa role, e, hindi kailangan,ayon sa kanya.

“Hindi glamorosa ang role… ang role ay role ng pangkaraniwang tao na nakikita mo sa inyong paligid.

“May negosyo siya… kakanin. Active siya sa komunidad, may mga barkada siyang mga babae.

“Ang maganda nito, social satire, hindi lamang pangkaraniwang telenovela kundi…

“Naalala ninyo iyong Abangan Ang Susunod Na Kabanata?” pagtukoy niya sa defunct sitcom ng ABS-CBN.

“Hindi sa amin… galing sa mga boss. Inayos namin ni Joel na mas angkop sa panlasa namin,” paglilinaw ni Direk Joey.