Noong Biyernes kumalat ang balita na ang Party Pilipinas ay mawawala na at may bagong Sunday noontime show na ipapalit ng GMA7.

Kasama sa plano ang pagpapalit ng cast pero mananatili si Christian Bautista na kalilipat pa lang sa Kapuso Network noong March 20, 2013.
Apparently, may kinalaman ang mga tweet kahapon ni Regine Velasquez tungkol sa mga pagbabago na mangyayari sa Sunday noon timeslot ng GMA 7.

“On leave“ si Regine sa lahat ng programa niya sa GMA 7 dahil pinayuhan siya ng doktor na ipahinga ang kanyang boses.

 

Regine VelasquezMay balita rin na hindi na babalik si Regine sa Kapuso Network dahil tulad ng kanyang asawa na si Ogie Alcasid, lilipat din siya sa TV5. Reportedly, may kinalaman ang pagkawala ng Party Pilipinas sa nalalapit na pag-alis nina Regine at Ogie sa kanilang mother network.
Tungkol sa loyalty ang tweets ni Regine pero nilinaw nito na nag-aalala siya para sa kanyang mga kaibigan, hindi para sa sarili niya.

“Well, I have to say that I’m still a loyal person. Loyal to my God, loyal to my loving husband & Boo. Loyal to my family and friends,sabi ni Regine.
“Siguro mali ang tanong ko, sa industriyang ito uso pa ba ang loyalty? Well, maybe I should not feel so bad…. after all trabaho lang. Walang personalan. Kaya lang???
“Hay matutulog na lang ako bukas na. Thank you for your kind words guys. But if you do not mind, please do not put words into my mouth. I am bothered but not about me. I’m worried about my friends.”