charice-pempengco-ne-hair-cut

Si Tess Relucio lola ni Charice Pempengco ay lalong tumitibay  ang pagsuporta niya ngayon dahil humupa na ang matinding sama ng loob nito noon sa ina ni Charice na si Raquel Pempengco.

Sa taped interview  kay Lola Tess noong, March 18, ipinaabot nito ang kanyang kagalakan sa pag-aayos nila.

Maaalalang nagkaroon ng samaan ng loob ang mag-iina sa hindi pagkakaintindihan sa kanilang mga desisyon.

Masaya na ako. Si Racquel, kinupkop niya ang mga kapatid niya, [pati] ang tatay niya, ayon kay Lola Tess.

“Ako minsan, pinasusundo niya ako dito, gusto raw niya kasi na magpahinga na ako sa pananahi, e.

“Pero ako lang kasi ang ayaw.

“Hinahanap ng katawan ko itong ganitong kumikita ako ng sarili ko.”

“Happy… happy yung apo ko ngayon dahil alam niyang hindi na ako galit, dagdag pa niya.

“Kahit nasa Amerika pa, binilbilhan niya ako ng damit.

“Binili niya ako ng isang van, yung anak kong pangalawa ang nagda-drive.

“Nung January dinala dito,” kuwento ni Lola Tess.

NEW LOOK.

Samantala, mistulang ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Charice tungkol sa kanyang “new look” ang isa sa naging dahilan ng pagkakaayos nila ng kanyang Lola Tess dahil sa gitna nito, dinipensahan niya ang kanyang apo.

“Bagay! Oo, gusto ko yun, huwag lang maraming tattoo anak, ha?” paglalambing pa niya sa apo.

“Yung iba napangitan, hindi ko sila iniintindi!

“Nung panahong bago pa lang siyang sumisikat, pinipintasan tungkol sa pag-i-Ingles niya… ganito… ganoon.

“E, sino bang tao ang hindi nagsimula sa walang alam?

“Tingnan mo yung mga ibang singers sa ibang bansa, tingnan mo si Lady Gaga, anong hitsura? Di ba?

“Huwag na lang nilang pintasan yung apo ko, huwag na lang kasi dapat din niyang maranasan yun.

“Tsaka yung pagtotomboy-tomboy na sinasabi nilang ‘yan, hindi ko iniintindi yun.

Saka si Racquel noon, babara-barako ‘yan!

“May karapatan siya [Charice] na gawin ang anumang gusto niya.

“Kung anuman ang gusto niya, iyon ang alam niyang gusto niya sa sarili niya.

“Mahalin ninyo sana siya kung ano siya ngayon.”