Charice Pempengco 1

Sa sunod-sunod ng pagkalat sa  ilang mga photos ni Charice Pempengco na nagpakita ng kanyang new look ay ang balita tungkol sa kanyang pagtatanan diumano kay Alyssa Quijano. Si Alyssa ay finalist sa X-Factor Philippines kung saan naging hurado si Charice. Ang bagong balita ay tungkol diumano sa kanilang pagtatanan.

Sa ngayon, sinasabing si Alyssa Kate Quijano diumano ang karelasyon ni Charice. Si Alyssa rin daw ang “Ayie” na parating nababanggit sa mga tweets noon ni Charice ayon sa source na nagpakilalang Mike. Bago kumalat ang balita, narinig daw niya ang plano ni Charice na bumili ng bahay.”Yung huling nakarating sa akin nagbiro daw at planong bumili ng bahay at kotse. Kailan lang ito. Siguro..wala pang one week.”

Ang nag-confirm sa akin ay iyong  mismong nakakita kay Charice. “Nagulat nga ako kaya ‘tinawag ko kay Raquel,” lahad ni Mike.

Noong May 8, 2013, nakatanggap daw ng text ang kanyang cell phone mula sa sender na umano ay magulang ni Alyssa Kate.”May natanggap nga akong tawag o text na nagpakilalang Liza, mommy daw siya ni Alyssa, at ang sabi, pupunta nga raw siya sa akin at magpapasama.

“Kukunin raw niya anak niya at may kasama raw siyang NBI galing sa main.

“Sabi ko, hindi ako makasasama riyan kasi yung pupuntahan natin e relatives ko ‘yan, hindi iba sa akin yun. Ayokong madamay sa gulo at ayokong mapagbintangan.

“Ituturo ko na lang sa inyo kung nasaan yung bahay.”

“Noong araw rin na yun, mga 11:30 p.m., ay nagbigay ng update si ‘Liza,’ at ang sabi, ‘Kuya, nakuha ko na anak ko, salamat sa Diyos,” kwento pa niya.

Ayon naman sa nanay ni Charice na si Raquel hindi pa daw niya masasabing pagtatanan ang ginawa ng kanyang anak hangga’t hindi kay charice nanggaling ang lahat. Hintayin na lang daw na kay Charice mangagaling ang lahat nang sagot sa usaping ito.