Napakabilis ng panahon dahil ang dating child actor na si Patrick Garcia ay tumanggap na ngayon ng father role. Sa nalalapit na paglabas na  teleserye na  “Annaliza” ay gaganap siya bilang ama na gagampanan ni Andrea Brillantes. Ayon kay Patrick walang problema sa pagganap niya bilang ama ni Annaliza ( Andrea Brillantes ) dahil sa totoong buhay ay dalawa na ang kanyang supling. Ito’y si Alex Jazz na anak kay Jennylyn Mercado at ang isa ay si Chelsea na anak niya sa isang non-showbiz girl na si Jessica Martinez.

Patrick Garcia

Nabantayan ni Patrick noong buntis raw si Jessica at naikuwento niya na kain siya nang kain.

Sabi tuloy sa kanya ng iba ay parang siya ang naglilihi.

“Manggang hilaw ang madalas kong kainin noon,” salaysay ni Patrick.

Kahit hindi nakikita ni Patrick si Alex Jazz ay pantay raw ang pagmamahal niya sa dalawang anak.

“As of now, mas nabibigyan ko ng time ang daughter ko. With Jass kasi, hindi ko pa siya nakikita. Pero sana magkita kami,”

“Well, as of now, siguro I’m taking it slowly but surely. I don’t wanna force things. You know, in the future siguro, magiging okey rin kami. Makikita ko rin si Jazz.

“As of now, I just don’t wanna elaborate much on it. Kasi for me, it’s a very sensitive subject.
Basta, my main goal is of course, I wanna spend time and be with my son,” deklara niya.

Nagsasama si Patrick at si Jessica sa iisang bubong. Nasa plano naman daw ng una na pakasalan ang huli pero hindi pa niya alam kung kelan mangyayari yun “I don’t know how soon or how late or I don’t know. Wala pang ano, kumbaga, one step at a time lang.”

Sa July raw niya balak pabinyagan si Chelsea.