Pnay sinaksak

Dala pa rin ng galit ng mga Taiwanese sa mga Pinoy ang dahilan kaya brutal na binawian ng buhay ang isang Pinay sa nasabing bansa nang saksakin ng mga Taiwanese ayon sa isang report.

Lumalabas sa report na nangyari ang insidente sa isa sa mga probinsya ng Taiwan.

Ayon sa OFW na ayaw magpabanggit ng pangalan, hindi na sila basta-bastang nakakaalis sa kanilang pinagtatrabahuan dahil sa takot na maabutan ng mga Taiwanese.

Bawal na rin silang  sumakay ng bus at taxi dagdag pa ng nasabing OFW .

Nag-ugat ang galit ng mga Taiwanese sa mga Pinoy makaraang mabaril ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard ang isang Taiwanese fisherman.