Phil.

Ang Pilipinas at Taiwan ay nagkasundo na sa isang parallel investigation dahil sa insidenteng nangyari sa pamamaril ng tauhan ng Philippine Coast Guard  ( PCG ) sa isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel.
Sa paghaharap ng mga imbestigador ng Taiwan at mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon  Lunes  sa headquarters ng NBI sa Maynila kasama si Manila Economic and Cultural Office (MECO) at chairman nitong si Amadeo Perez, ipinaabot ng NBI ang paninindigan nitong huwag magsagawa ng joint investigation kasama ang Taiwan bagamat iginiit nitong handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng Taipei.

Sa pagpupulong, binigyang permiso ng Taiwan ang NBI na magtungo sa kanilang teritoryo at inspeksyunin ang fishing vessel, at kapanayamin ang mga kasamahan ng biktima.

Posible rin umano ang pag-reautopsy sa bangkay ng mangingisda kung papayagan ng pamilya.

Wala pa namang petsa ang pagtulak ng mga imbestigador ng NBI sa Taiwan.

Nais nitong masuri ang barko ng PCG o BFAR, mga armas na ginamit sa insidente na pinayagan naman ni Justice Secretary Leila De Lima, sa panig naman ng Taiwan.

Hindi totoong inanunsyo ng Pilipinas na walang murder sa insidente sa pagsasabing “premature” ang pagbibigay ng konklusyon sa puntong ito, sinabi ni De Lima.

Bukod dito, hindi pa rin natatapos ang imbestigasyon ng NBI na mga ebidensya pa lang mula sa Pilipinas ang hawak at target para masuri ang mga ebidensya at testimonya sa Taiwan.

Inihayag naman ni De Lima na isasapubliko ang resulta ng imbestigasyon sa tamang panahon ngunit una muna itong isusumite kay Pangulong Noynoy Aquino.

Ikinatuwa naman ni Perez ang kinahinatnan ng pag-uusap.

Bago ang pulong, iniulat na ng Taipei Times ang naging pahayag ni Taiwan Minister of Foreign Affairs (MOFA) David Lin nitong Linggo na nagkaroon na ng ‘concensus’ ang Maynila at Taipei sa pagsasagawa ng joint investigation na tinawag nila ni Justice Secretary Leila de Lima na “parallel investigation.”

Advertisements