Ganda

Ang komedyanteng si Vice Ganda ay humingi ng paumanhin sa batikang broadcaster na si Jessica Soho dahil sa kanyang ” rape joke ” sa I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta Concert noong May 17.

Bago mag-umpisa ang daily variety show ng ABS-CBN na It’s Showtime kanina, May 29, binigyan ng pagkakataon si Vice Ganda para humingi ng tawad sa bise presidente ng GMA News and Public Affairs.

“I just wanna make things right and I wanna make this day a beautiful one and start this right,” bungad na pagbati ni Vice sa mga nanonood ng kanilang programa.

Pagkatapos ay nagbigay siya ng kaunting impormasyon tungkol sa isyung lumabas kahapon, May 28.

“May mga malaking-malaking isyu na lumalaganap ngayon, kuwento niya.

“May 17, 2013, naganap po ang I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta.

“It is a comedy concert. It is a comedy show. It is an enlarged comedy bar show kasi naganap po sa Araneta.

“After eleven days, kahapon, may lumabas pong mga issue, na may mga na-offend, may binato sa aking issue, mayroon akong nalampasang linya, na mayroon akong sinabing hindi maganda, na mayroon akong mga taong sinadyang saktan, may mga tao akong natapakan.”