052913_ViceGanda1

Sobrang napakasya ngayon ng komedyante at TV host na si Vice Ganda matapos tanggapin ng broadcast journalist  na si Jessica Soho ang public apology nito.

Natuto na siya sa pagkakataong ito kung saan hati ang naging reaksyon ng mga netizens sa ginawang pagpuntirya sa timbang ni Soho at ang isyu hinggil sa rape, ayon sa komedyante.

Mag-iingat na siya sa kanyang mga hirit ng pang-aalaska pero ipagpapatuloy pa rin ang pagiging komedyante sa kapwa, sinabi ni Vice Ganda.

“For sure siya [Jessica] rin naman ayaw niya ng gulo. Ako din naman ayaw ko ng gulo kaya ako nag-apologize. Kung totoong tinatanggap ang apology ko, maraming, maraming salamat po. Let’s all live a peaceful life. May natutunan naman ako dito sa pangyayaring ito,” wika ng TV host. “Sabi ko nga kanina sa ‘Showtime‘ ang sarap gumalaw, ngumiti, magpatawa. Although ngayon, nalilimitahan muna ako sa galaw ko kasi gusto ko maging cautious.”

Bago ang kanyang public apology, personal na tinawagan ni Vice ang broadcast journalist pero hindi nakapag-usap ang mga ito.

Sa panig naman ng 49-anyos na broadcast journalist, hangad daw nitong tapat ang paghingi ng sorry ng komedyante.

“I acknowledge the public apology given by Vice Ganda, by way of his TV program. I sincerely hope and pray that this was done with the purest intentions and determination to put this issue behind us.”