inflush

Mula sa bansang BEIJING, China ay nakalabas na ng hospital ang sanggol na isinilang sa China na na-flush sa toilet subalit nailigtas.

Ayon sa pulisya sa lungsod ng Jinhua, ang mga lolo at lola ng sanggol ang kumuha rito makaraang ma-discharge ng bahay pagamutan.

Nananatili naman sa hospital ang ina ng sanggol subalit nakikipagtulungan naman ito sa imbestigasyon.

Sinabi ni Jiang Song, Jinhua police vice director, naniniwala naman sila sa sinasabi ng ina na aksidente lang ang pagkaka-flush ng kasisilang na sanggol sa inidoro.

“That day she felt stomach aches,” ayon Jiang. “So she went to the toilet. It was actually close to her due date and the baby just slid out.”

Napag-alaman na mismong ang ina ang nagsumbong sa pulisya sa pagkaipit ng sanggol sa toilet pipe.

Bagama’t sa dalawang oras na rescue operation at hanggang sa hospital, nanood din ito pero hindi sinabi ng 22-anyos na ina, na siya ang nagsilang sa lalaking sanggol.

Nagkaroon umano ng hinala ang pulisya nang makitang may mga laruan ng bata at may bahid ng dugo ang tissue sa silid na nirerentahan ng ina at nang imungkahi na sumailalim sa medical examination ay umamin ang babae na siya ang ina.

Sinabi nito na hindi niya makayang magbayad ng abortion kaya palihim na isinilang ang sanggol sa toilet bowl.

Bagama’t sinubukan daw niyang saluhin ito, nadulas ang sanggol at humingi ng tulong sa landlord nang ma-trap ang bata.

Hindi raw alam ng ina ang gagawin dahil nabuntis siya sa one night stand at hindi pinanagutan ng nakabuntis sa kaniya.

Kaka-graduate pa lang ng babae sa high school at nagtatrabaho sa isang restaurant.

Hindi rin umano niya ipinaalam sa mga magulang na siya ay  nabuntis at gustong palakihin ang kaniyang anak bagama’t hindi raw niya alam kung paano.

Napag-alaman na nauuso ngayon sa China ang unwanted pregnancies dahil sa kakulangan ng sex education at karaniwan na rin ang abortion kung saan naglipana ang mga abortion clinics.

Gumawa ng headlines ang madramang pag-rescue sa nasabing sanggol.

Nagsimula ang madramang rescue operation nang may marinig na iyak ng sanggol sa comfort room ng ika-apat na palapag ng apartment.

Ang mga naalarmang kapitbahay ay pinasok ang comfort room at nakita ang maliit na paa sa loob ng toilet bowl.

Kaagad ang mga itong tumawag sa fire department na pinutol ang buong sewer pipe upang mahugot ang sanggol na finlush sa toilet.

Ngunit hindi nakuha ng mga rescuers ang sanggol na naipit sa loob ng pipe kaya’t dinala ang tubo sa ospital at pinagtulungan ng mga doktor at rescuers na alisin ang bawat piraso ng tubo.

Tumambad sa mga ito ang bagong silang na sanggol na hindi pa naputol ang pusod.