james

Si James Yap ay nasa Escalante,Negros Occidental nang mabalitaan niyang hindi ibinigay ng korte ang Permanent Protection Order (PPO) na hiniling ni Kris Aquino para sa anak nilang si Bimmby laban sa kanya.

Sumabay ang grupo ng Startalk na nagsadya kay James sa Bacolod para makapanayam ito.

“Tumawag sa akin ang lawyer ko, si Atty. Lorna Kapunan, pero hindi ko nasagot. Sa Escalante ako nun, fiesta kasi sa amin, kuwento ng sikat na basketbolista,

“Nung nabasa ko yung text niya, sobrang happy ako. Siyempre, yun ang ipinaglaban ko, di ba?

Abot-langit ang tuwa ko.

“Sinabi niya sa akin na, ‘Nanalo tayo, puwede mo nang makita ang anak mo.’”

Ipinaliwanag din daw kay James na mababalik sa kanya ang visitation rights niya sa kanyang anak, pero hindi pa raw siya puwedeng lumapit kay Kris.

Kinatigan kasi ng Makati Regional Trial Court ang hiling na PPO ni Kris para sa kanyang sarili laban kay James.

“Actually, hindi ko na iniisip kung ano ang mangyari sa kaso namin ni Kris. Hindi ko na iniiisip yun, wala na akong pakialam, sabi ni James tungkol dito.

“Ang iniisip ko, ang anak ko and I’m happy na panalo ako sa side ng anak ko,” sabi pa niya.

“Ang akin lang naman talaga ay kay Bimby.

Makita ko, makasama ko ang anak ko. Makilala niya ako as tatay niya.

“Sobrang happy talaga ako dahil natapos na kumbaga itong gulo.”

“Gusto ko lang naman talaga na lumaki siya na nandiyan ako sa tabi niya,dagdag ng PBA star.

Advertisements